"ESTRANGHERO"

Friday, November 18, 2011
Kay lamig ng hangin na sa aki’y dumarampi
Napatulala sa di kalayuan habang kausap ang  Hari
Bakas ang agam-agam sa bawat butil ng ulan
Noon ri’y naririnig ang musikang walang laman


Sa gawing kaliwa may matang nakatingin
Di alam kung bakit, di alam ang nais
Ngunit ang ulo’y naipatda sa gilid
Nakahilig sa balikat, sarili’y inaliw


Maya-maya pa’y umusbong ang tanong
Siya’y hinarap, inalam ang layon
Bakas ang pagtataka sa maaliwalas niyang mukha
Ngunit lumaba’t pinatay ang duda


Sa ganoong akto ako’y natuwa
Ang salitang sinarili kagyat ng hinalili
Sa bawat saknong ng iba’t ibang talata
Usapin ay lumawig, damdamin din ay lumalim


Buntong hininga, dalawang salita
Minutong  katahimikan, isang oras ng pagkikilanlan
Noon di’y naisip ang isang bagay,
Ako’y nakilala ng estrangherong tunay

0 comments:

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.