Luha sa mata, aking kinimkim
Pagkakamali’t inis akin ding ipinailalim
Sa suot kong maskara na animo’y pader
Ni hindi naisip kung paano nadaig
Aking naisip ang salitang “mapag-isa”
At tulad niya ang aking nakasama
Laway niyang sintulad ng ginto
Bumaba ang halaga ng ako’y napaluha
Dumating ang panahon ng tag-saya
Ang dating siya ay natunaw at naglahong bigla
Siya namang usbong ng bagong kakilala
Kaiba sa kanya, kaiba ng hulma
Ako’y nagitla sa bagong kakilala
Hindi nasanay sa tulad niyang kakaiba
Kasiyahan ay nawala napalitan ng pagdududa
Kasabay ng puso kong nainibago ata
Ngunit panaho’y sadyang kay bilis magbago
Ang bagong kakilala ay siya ring naglaho
Tumakbong palayo, umiwas ng umiwas
Habang ako’y naiwan at walang lunas
Aking tinanggap ang tunay na siya
Kahit ang sarili’y itinatago sa madla
Akin ring minahal ang gusto niyang maging siya
Ngunit pagmamahal ay tila wala ng halaga…
0 comments:
Post a Comment