Art Of Letting Go..

Sunday, November 21, 2010




 Ganito pala ang feeling ng nagmoMOVE ON?
parang tangang naiiyak kahit walang luha
nag-eemo kahit masaya ang tugtog na musika
magreminisce ng mga panandaliang memories
at tumulala kahit pumipikit na isang mata





Di ko naman s’ya ganoon kamahal,
pero bakit sya ang laman ng isipan?
Hindi rin naman sya ang hangad kong makasama,
pero bakit pag kasama sya ako’y masaya?
Ganito ba ang magmahal? O gawain ng mga taong sa pag-ibig ay hangal?





Mabilis nangyari ang lahat
pero di naisip na lahat ng yun ay higit pa sa sapat
Sapat para masabi kong ako’y minahal ng buong puso,
magmahal ng taong karapatdapat,
at masaktan sa mga di maiiwasang pagkakamali





Siguro nga ganito ang impact ng ART OF LETTING GO,
Apat na salitang daig pa pison,
Apat na katagang kayang itumba ang great wall,
At sa apat na salitang ito nalaman ko rin,
Ang malalim na kahulugan ng mga bagay na noo’y, lubos ko lamang pinagtatawanan

0 comments:

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.