i HART u

Friday, November 5, 2010
I.
Naranasan mo na bang magmahal ng tapat?
Yung tipong sa isang txt lang nagsimula anglahat?
Umiyak dahil sa kung anu-anong dahilan,
Kahit pa ito'y dala lamang ng mapaglarongisipan?


II.
Sadyang masarap ang magmahal,
Lalo na pag ito'y may katumbas na pagmamahal.
Tumawa sa isang simpleng joke message,
At ngumiti sa mga pambanat na pasweet epek.


III.
Inialay ang oras kahit pa may diskusyon,
Gumawa ng tula sa gitna ng lesson,
Sumulyap sulyap sa selpon kahit may pagsusulit,
At mag-SWEETEST MORNING greet kahit pa late received.


IV.
Eh, ang mag'ILOVEYOU kahit paranoid ka na?
M
mag'HI , HELLO kahit blank txt ay wala,
mag'GUDNAYT kahit tinulugan ka na,
at magbaBYE kahit reply ay wala.


V.
Di mo man naising mainlove ng ganito,
Kahit na ito'y hindi mo planado,
Iyo mang sabihin na ika'y naloko,
Aminin mo man o hindi, ito'y totoo!


VI.
Hindi masama ang magmahal ng tapat,
mapasobra, kulang o sapat na sapat.
Atleast nalaman mo sa sarili mo,
Ikaw ay tao na kahit sa TXT ay marunong ding magmahalng totoo!


0 comments:

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.