ALAK..

Friday, November 5, 2010
I.
Nakatanaw sa di kalayuan,
nang maalala ang nakaraan
Napapangiti sa mga kasiyahan,
napapaluha sa kalungkutan.


II.
Kasama ang 'sang bote ng alak
pulutan, tunggaan at yosing hawak
panay ang kanta kahit boses ay garalgal,
panay ang tawa ng walang dahilan.


III.
Muling iginunita an mga araw na iyon,
nang unang makita ang ngiting tugon,
panay ang sulyap sa kanyang mukha
kahit sa panaginip ay di mawalawala.


IV.
Lumipas ang araw ng siya'y makita
panay ang sana at mga himala,
Nang biglang kung ano aking nadama,
na siya'y humawak sa balikat kong puno ng pagsamba.


V.
Nagkaalamanan ng maraming bagay,
numero, pangalan, maging adres ng kanyang bahay
Lahat ng mababaw aking natunghayan,
hanggang humantong sa marubdob na usapan.


VI.
Siya'y ikakasal limang araw mula noon,
kahit yaon ay hindi inisip ni hindi inayon,
mga kagustuha'y kanyang ikinimkim,
mga luha'y kanyang babaunin.


VII.
Ako'y napaluha at siya'y nabigla,
paano kasi pareho kami ng tadhana
Aking kinabukasa'y ipinasaDiyos ko na,
Na sana'y lumigaya sa taong di ko lubos na kilala.


VIII.
Kami'y naghiwalay ng loob ay palagay,
tuwa sa dibdib ay laging isinasabuhay
Siya'y tinawagan at nakilala ng malalim,
Ako'y natuwa bagamat may lungkot sa'king mukha


IX.
Isang araw bago magtapos ang lahat
kanyang damdami'y sa'kin isiniwalat
na kanyang pagpapalit kayamanan at lahat
nang sa piling ko'y mabuhay ng sapat


X.
Ako'y nag-alilangan sa kanyang itinugon,
dahil noon pa man ako'y sumang-ayon
Sundin ang magulang at tulungan
sa problemang kinakaharap ng walang alinlangan


XI.
Dumating sa munisipyo kasama ang magulang,
kunti lamang ang dumalo sa'ming munting kasalan
Isa, dalawang oras, ni anino ay wala,
Nasan kaya ang aking mapapangasawa?


XII.
Isang tawag ang aming natanggap,
ang kasalang hinihintay ay di na magaganap
Pagkat ang babaing aking makakasama,
ay nawala bigla ng di ko alintana.


XIII.
Ako'y sumama sa bahay nila
at nagitla nang malaman adres nila
Nagmadaling pumasok at hinanap siya,
ngunit ng matunghayan, ako'y naaba.


XIV.
Sa banyo'y naliligo ng sariling dugo,
bumubula ang bibig habang wasak ang pulso
Ang mukhang kay amo, lungkot ang rumirehistro,
halos di pumintig maging ang aking puso


XV.
Ako'y napasigaw at umiyak ng husto
pagkat ang babaing hindi ko ginusto,
ay siya palang pagkamamahal ko,
ilang araw buhat pa man ng kasalang ito


XVI.
Sadyang mapaglaro ang hampas ng tadhana
Ang taong iyong hangad ay iyo na palang nakakasama
Sana kung pwede lang ibalik ang nakaraan,
aking hihilinging makasama siya ng walang hanggan.


XVII.
At nang bumalik sa aking pagkatao,
anupa't kay gulo nitong ating mundo,
Sana itong alak na hawak-hawak ko
ay siya ng makapiling sa malungkot na buhay ko.

0 comments:

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.