Mistulang Hangin ..

Friday, November 5, 2010



I
Sa munting upuan, aking napagtantuhan
Isipa’y nilaro, dulot ay iba’t ibang kahulugan
Salitang hindi pinag-sipan, bumulislis sa katawan
Mga letrang kundiman hatid ay kakaibang kasiyahan .


II
Kakaibang damdamin ang siyang nadarama,
Sa salimbuyo ng hangin, dumi ay di makita,
Tulad ng pusong puno ng pagdududa,
Sapat na ba ang oras upang ito ay mawala?

III
Tanong na walang sagot , puso’t isipan ang patnugot,
Mga emosyong hindi angkop sa imahinasyong may lungkot,
Samu’t saring kaisipan ni ayaw humulagpos
kasiguraduhang di matukoy, ni ayaw maigapos.



I V
Hindi mabatid ang angkop na damdamin,
Ni hindi maihatid ang nais sabihin.
Ang plumang panulat ni walang maisulat ,
Ang isipang lantad ni walang mahalungkat.


V
Siguro nga’t ito’y tanda ng pagkalito,
Puso’t isipan man ay walang matanto.
Mga bagay na hindi wasto,
Mga ideyang walang maipunto.


 
VI
Ito ang tulang ilang beses pinag-isipan,
Ilang beses inisip, ilang beses iniyakan.
Siguro nga’y iyong tatawanan,
Dahil ang tema’y sunod sa hangin at walang patatahanan.



 
VII
Ngunit pagkaisipin na kahit ganito man,
Tayo’y tulad din ng hanging walang patutunguhan.
Sunod man sa agos ang ating lakbay,
Sariling desisyon pa rin ang aagapay .

2 comments:

Zaykismo said...

eportles powm :)

Zaykismo said...

ui pakoment naman :)
slamaTNX

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.