Akala ko ‘di ko na makikita ang saya,
dahil lungkot lang ang lagi kong kasama.
Akala ko ‘di ko na masisilayan ang liwanag,
dahil sa dilim ako’y laging naglalayag
Akala ko noon ay wala ng bukas,
dahil nakaraan ang aking binabalangkas
Akala ko kailanma’y ‘di matutupad ang imposible
hangga’t naniwala ako sa posibilidad na mangyayari
Maraming akala ang sa isipa’y itinanim
dahil posibilidad at katotohanan ay nakatagong mariin
mula sa himaymay hanggang sa pinakapatnugot,
Saan mo pa ba ito mahuhugot?
Akala , akala, at isa png akala
kailan ba ito magiging “ito na”?
Sana sa paggising ito’y mangyari na
ang maling akala ay maging huwad na sana
0 comments:
Post a Comment