EPIDEMYA..

Sunday, November 7, 2010






Bakit nga ba iiba
ang kaisipan ng balana,
hinggil sa katayuan
at estado ng madla?
Di ba't tayo'y iisa
sa anyo at itsura?
Bakit pa ma'y diskriminisasyon
kung sa panlabas lang may baryasyon?
Di lubos maisip
            na sa gitna ng mga ito
Ay may mga taong iiba
            ang persepyon at prinsipyo
Hintulan na lamang
            sa mga ninunong negrito,
Bakit sa mga puti’y api?
            kung pinagmulan ay iisang lahi?







Mahirap ay ilipin
                aristokrasya’y namamayani
Mga banso’t maliliit
                sa hignate’y api
Lumaki sa Espanya,
                tinalikuran ang Maynila
Mga bronse’t pilak
                nilamon ng gintong namimitak
Mga makapangyarihan
                ginagamit ang  karamihan
Sa huwad na mukha
                kay raming nagdurusa
Ito ba Inang Bayan,
                ang sanhi ng ‘yong pagluha?
Ang mundong tila ba
                wala ng lunas pa.







Sadyang laganap na
                ugaling mala-epidemya
Sa munting katawa’y
                tila ba humihingal
Himaymay ng moralidad,
                galamay ng realidad
Mundo’y sinusupil
                ng sakit na sumisiil
Ito ba talaga ang iyong nais?
                o dulot lamang ng iyong pagmamalabis?
Ito’y pagkaisipin
                bago pa maging huli
Maging biktima ng sakit
                na lahat ay nagbubunyi
Epidemyang hatid
                ng mapaglarong hangarin..








0 comments:

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.