BOREDOM KILLS!!

Friday, November 5, 2010

I.
Lumilipad na naman ang isip ko
habang ang tiyan ay kumukulo
naririnig ang broombroom ng motorsiklo
kasama ang maingay na remix ng musiko


II.
Isang simpleng araw lang naman ito
nakasalampa sa'king munting bangko
habang itong katabi ko
panay ang kalkal ng kanyang kuko


III.
Panay ang tanaw sa di kalayuan
nitong babae sa aking harapan
samantala itong nasa aking likuran
panay ang paypay sa kanyang anak-anakan


IV.
Ang iba naman ay nagdadaldalan
magsuklay, ngumiti, magpayabangan
siyang gawain ng karamihan
kahit pa ang ibay ay mistulang nayayamutan


V.
Maaraw, malamig, maulap, maulan
yan ang klima na napagtatanawan
Mga gamit ay siyang nagkakalatan
hinihintay ata na mapagalitan


VI.
Ito ang umaga sa aming eskwela
matapos ang madugong eksena
pero heto't ngumingiti na
tapos na ang oras at UWIAN NA!!

0 comments:

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.