DiKSYUNARYO..

Sunday, November 7, 2010

Sabi nila, ako’y isang papel,
madaling mapunit, mabasa at malukot
pero kahit ganun, ako’y may silbi
may gamit at nabubuhay sa iba’t ibang uri


Sabi nila, ako’y isang lupa,
nadadangkal at natatak-tapakan ng iba
pero kahit ganun,  ako’y malawak
mabasa man o hanginin ako’y nananatiling orihinal


Sabi rin nila ako’y isang puno,
madaling yumuko pag dinaanan ng bagyo
pero kahit ganun kaya kong manatili saking pwesto
sa baha man o kidlat ako’y hindi patitinag.


Sabi ng iba, ako’y sang salamin,
madaling mabasag at magpira-piraso
ngunit di nila alam, ako’y matatag,
dahil nakayanan kong tagalan ang kanilang mga hayag


Ngunitsa lahat ng kanilang mga husga,
ang pagiging paru-paro ang syang saki’y nagbigay tuwa
mula sa uod na dumanas ng hirap,
Kumuwala sa kukon at sa realidad ay nagging handa


Maramig bagay ang saki’y naihalintulad,
ngunit di nila alintana na ako’y waring huwad
Isang bahaghari na may iba’t ibang kulay,
nagmula sa tubig na walng buhay


Mga salita: lait, puri o komento,
mapahalintulad, salungat o hindi kumpleto
Isa lamang ang saki’y sasakto
Ako’y diksyunaryo ng sarili kong pagkatao

0 comments:

Post a Comment

Ako si...

My photo
WHO AM I? an unidentified being
Powered by Blogger.