Minsa’y nagmahal ang pusong bato
Sa isang katauhang mistulang anino
Hunghang na puso kayang nasilo
Isipan ma’y nadarang ng kanyang balatkayo.
Pusong bato nadarang sa init
Ng apoy na talos ang kakaibang sakit
Kapagdaka’y nahati’t nabiyak ng kusa,
Sa talas ng hapdi tila ba’t nagbabaga
Ngunit sa pagdaan ng mga araw,
Pusong sugatan animo’y sumalimbabaw
Isiping Masaya , kanyang tagahilom
Panibagong sakit ni hindi mahukom
Ising ngiti , sa kanya’y umusbong
Emosyong kakatwa sa kanya’y umusbong
Tinugunan ito upang kanyang matalos
Sa himala’t bigla, tuwa’y nagpuyos
Pitik-bulag kanyang nilaro
Upang damdami’y kanyang matanto
Ngunit ito pala’y patintero
Siya’y nataya sa larong di guro
Umasang humilom ang pusong biyak
Ngunit isipa’y pagod na sa pag’iyak
Luha man sa mata’y ayaw ng lumabas,
Ni ngiti sa labi’y ayaw ng umalpas
Sa huli’y nanatiling matigat at buo
Tuwa sa pag-ibig ni hindi makanlo
Sa hugkas na damdaming ayaw ng sumaliwas
Pusong bat lumao’y unti-unting tumitigpas.
0 comments:
Post a Comment